PAGIGING BUKAS PALAD

Ang pagiging bukas ang isa sa pangunahing katuturan na kailangan ng bawat isa sapagkat ito ay oportunidad upang matuto ng iba pang aral at kasanayan sa buhay. Ito din ay kinakailangang bigyan ng halaga upang mapalago pa ang kaalaman sa mga susunod na araw. Ang pagiging bukas sa maraming bagay, sa kapwa at sa Diyos ang isa mga maraming bagay na natutunan ko sa ilang araw ng pag-vovolunteer ko sa LASAC. Sa mga iba’t ibang bagay na ginagawa sa Command Center, sa pakikipag-halubilo sa maraming tao na galing sa magkaka-ibang lugar, at sa mga pagtanggap ng kung sino mang pumupunta sa LASAC, naging handa ang aking sarili na humarap at tumanggap sa anumang pagsubok na aking kakaharapin sa mga susunod na araw.

Ang paggiging bukas palad ko naman sa iba ang siyang paraan ng aking pagtulong at pagmamalasakit sa mga nangangailangan. Sa pamamagitan nito, mas nagiging malinaw din ang aking pangunahing layunin sa buhay. Ang pag-vovolunteer ko ay isang paraan ko din upang mas maging malapit ako sa Diyos. Naging daan ang pag-vovolunteer ko sa LASAC upang maki-simpatya sa mga naranasan at nararanasan ng aking mga kapwa. Dagdag pa dito, mas naging handa akong ibigay ngayon ang aking sarili upang makatulong sa mga mas higit na nangangailangan na walang anumang hinihintay na kapalit dahil naniniwala ako na bawat isa sa atin ay may angking kabaitan sa simula pa lang. Tunay nga na masarap sa pakiramdam kapag alam mong nakakatulong ka at natutulungan mo rin ang iyong sarili na maging bukas sa iba. Higit sa lahat, masarap sa pakiramdam na sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa ay nagiging bukas ka din sa Diyos.

-Jayson P. De Chavez